megaliciousssss

Champorado

Posted on: July 30, 2011

larawan mula sa googles

May kapitbahay ako galing province binigyan ako ng cacao, tamang tama may malagkit akong nakatabi. Tutal malamig ang panahon naisip kong gumawa na lang ng champorado bilang meryenda. Tara 🙂

SANGKAP:

1/2 kilong malagkit
1 basong cacao o cocoa
6 na basong tubig
1/2 kilong asukal
dahon ng pandan o vanilla
1 latang evaporated milk

PARAAN NG PAGGAWA:

Hugasan ang malagkit, pakuluan na kasama ang dahon ng pandan hanggang maging lugaw, lagyan ng cacao at timplahan ng asukal. Tikman at kung sapat na sayo ang lasa ay pwede ng ihain, lagyan ng gatas bago kainin. Ilagay sa ref ang natirang champorado sapagkat pwede ito gawing panghimagas kapag malamig na. Kain na! 😉

Advertisements

POCHERO

Posted on: July 30, 2011


Ito ang masarap na ulam kapag weekend at isa ito sa mga paborito ko. Pwede rin itong pandagdag na putahe kapag may handaan. Samahan nyo akong magluto 🙂

SANGKAP:

1/2 kilong nilagang baboy
1/2 kilong manok
1 maliit na repolyo
2 kamote, pinag-apat
2 chorizo, hiniwa sa laking nais
1 butil na bawang, pinitpit
2 hiwang tosino o hamon
8 kutsarang mantika
6 na saging, saba
1 latang tomato sauce
1 sibuyas, ginayat
baguio beans
asin at pampalasa

PARAAN NG PAGGAWA:

Ilaga ang baboy at manok na kasama ang hamon at chorizo. Timplahan ng asin. Alisin sa sabaw ang hiwa-hiwang laman ng manok at baboy. Dito naman ilagay ang repolyo, baguio beans at kamote. Ilaga ng bukod ang saging. Igisa sa mantika ang bawang, sibuyas at tomato sauce. Isunod ang manok at baboy at lagyan ng sabaw na sapat lamang upang maging malapot. Timplahan uli ng asin o patis. Ihaing kasama ang repolyo, baguio beans, kamote at saging. Kakain na 🙂

Mega tapa

Posted on: July 28, 2011

Ang estilo ko sa paggawa ng tapa ay iba sa karaniwang proseso, tiyak namang masisiyahan ka kapag kinain mo.  Halika try mo 🙂

SANGKAP:

1 kilong baka

1 ulo ng dinikdik na bawang

1 kutsaritang paminta

1 bote ng maliit na sprite

1 basong tubig

1 basong suka

1/2 basong toyo

 

PARAAN NG PAGGAWA:

Hiwain ng maninipis ang baka (pwede itong ipahiwa na lang sa tinderang bibilhan mo ) Hugasan at pakuluin hanggang sa lumambot, adobohin at patuyuin ng bahagya, hanguin at ilagay sa lalagyang may takip. Pwede itong iimbak ng matagal sa ref, kumuha na lamang kapag gustong magprito, masarap sa almusal lalo na kung may sinangag at itlog, samahan mo na rin ng vegetable salad kung meron 😉

Materyales:

  • bangus – 100 gramo laki
  • sarsa ng kamatis – 4 na kutsara
  • langis na panluto – 2 kutsara
  • asin – 1/2 kutsarita
  • betsin – 1/3 kutsarita
  • siling malaki – 2 hiwa

Paraan ng Paggawa:

  1. Kaliskisan ang isda, alisan ng lamang-loob, hasang at mga palikpik at buntot.
  2. Hiwahiwain ang isda ayon sa laki ng garapon. Alisan ng maitim na balot ang loob ng tiyan. Hugasan at patuluin.
  3. Ayusin sa garapon.
  4. Pasingawan ang garapon nang 20 minuto para maalis ang tubig sa isda.
  5. Alisin ang tubig sa loob ng garapon. Ilagay ang mainit na kamatis at lahat ng sangkap.
  6. Sarahan ang garapon, isalang sa init sa 240′F nang isa’t kalahating oras.
  7. Upang hindi lumabis ang luto, ilagay agad ang garapon pagkaluto sa umaagos na tubig.
  8. Punasan ang pinalamig na garapon.
  9. Pwede ng kainin o ibenta 🙂

Masarap manginain kapag ganitong panahon ng tag-ulan at isa sa mga masarap kainin kapag ganitong panahon ay ang BAGOONG RICE, may nabibili nito sa mga food chain ngunit bihira, bukod sa mahal ang presyo ay mabibitin ka dahil kakaunti lamang bawat serve. Mas mainam na magluto na lang sa sariling kusina, di lang ikaw ang makakakain kundi pati ang pamilya mo. Maging mapamaraan po, maaaring gawing sahog ang mga tirang ulam na nasa ref.

SANGKAP:

1/2 kilong bigas

3 kutsarang bagoong

2 kamatis na hinog

1 sibuyas

2 butil na bawang

1/4 na giniling

dahon ng sibuyas

mantika (mas mainam kung mantika ng baboy)

PARAAN NG PAGGAWA:

Isaing ang bigas, hayaang mainin na mabuti. magpainit ng mantika sa kawali at igisa ang kamatis hanggang sa malanta at magkulay brown ng kaunti, isunod ang bawang at sibuyas. Idagdag ang bagoong at ang giniling (pwede rin ihalo ang mga tirang ulam na tulad ng prito o adobo, himayin muna bago ihalo) at kung sa tingin mo ay luto na ang bagoong ay pwede ng ihalo ang kanin, haluing mabuti bago tikman, kung sapat na para sayo ang timpla nito ay pwede ng hanguin, budburan ng dahon ng sibuyas at tinustang bawang bago ihain.  Sarap nito 🙂

Ang kuhol ay masarap iulam, masasabi ko na isa ito sa mga kakaibang pagkain na nakain ko na. 1st time ko nakakain nito mula sa luto ng aking dating mother in law na siyang nagturo sakin kung paano magluto. Halikayo samahan nyo ko 🙂

SANGKAP:

3 basong kuhol

5 berdeng sili

1 siling labuyo

1 tasa kakang gata

1 tasang pangalawang gata

2 bawang na dinikdik

luya hiniwang pahaba

1 sibuyas

1 kutsarang bagoong

1 tasa ng dahon ng kangkong

3 kutsarang mantika

asin (depende sa alat na gusto mo)

PARAAN NG PAGGAWA:

ibabad ng 2 oras sa tubig ang kuhol,  pagkaraan ay putulin ng bahagya ang buntot, hugasang mabuti.  sunod na igisa ang bawang, luya at sibuyas, idagdag ang bagoong bago isunod ang kuhol. ibuhos ang pangalawang gata, takpan at hintaying kumulo. ibuhos ang kakang gata,  isunod ang siling berde at siling labuyo,  idagdag ang dahon ng kangkong, timplahan at takpan, hayaang kumulo hanggang sa magmantika.  Sarap nito 😉


Heto po ang isang masarap na panghimagas at meryenda. Paborito ko itong ihanda kapag may okasyon na tulad ng birthday, pasko at bagong taon. Madali lang po itong gawin, medyo mabigat nga lang sa bulsa pero kapag kinain nyo na ay sulit naman ang gastos nyo dahil sa sarap, na magbibigay sa inyo ng pakiramdam na kayo ay professional na sa larangan ng paggawa ng cake. Ano panama ng red ribbon at goldilucks hehehe… tara 🙂

SANGKAP:

2 pack ng graham biscuit

2 can of condense milk

2 pack of  all purpose cream

cookies  (mas masarap kung oreo)

vanilla

PAGGAWA:

paghaluin ang condense milk at all purpose cream, patakan ng vanilla para sa mabangong aroma. maglatag ng pahilera ng graham biscuit sa kwadradong lalagyan, buhusan ng pinagsamang condense at all purpose cream, ulit ulitin ang proseso hanggang sa mapuno ang lalagyan. buhusan ng mas maraming pinaghalong condense at all purpose cream bago lagyan ng dinurog na chocolate cookies, pwede ring ipatong ng buo na tulad ng makikita sa larawan 🙂

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 30,194 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

September 2017
M T W T F S S
« Sep    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930