megaliciousssss

oy tip mo!

— Kung magluluto, unahing gawin ang pangunahing sangkap bago maghiwa ng kung ano-ano. Halimbawa ay sinigang, hugasan muna ito at isalang bago gawin ang ibang rekado.

— Iwasang malagyan ng asin ang mga kaserola o aluminum na tulad ng llanera sapagkat mamamalayan  mo na lang butas na pala ito dahil sa asin.

— Ilagay sa garapon ang natirang gatas sa lata upang hindi        magkaron ng bacteria, ilagay sa ref upang magamit sa susunod na  mga araw.

Panatilihing sarado ang garapon na may bagoong, gumamit ng    tuyong kutsara sa pagsandok kung kailangan nito.

Ang salad na may dressing ay madaling masira, siguraduhing makain ito at wag ng paabutin ng kinabukasan upang hindi sumakit ang tiyan.

Ang mantikang nagamit na ay pwedeng  i-refresh sa pamamagitan ng pagprito ng ilang hiwa ng patatas.

 Wag itapon ang buto ng atsuwete na ginamit na pangkulay, ibilad sa araw maghapon para matuyo upang muling magamit. 

Ilagay sa lalagyang may takip ang mga tirang hiniwang sibuyas bago ilagay sa ref,  upang hindi humawa ang amoy nito sa ibang pagkain na naroon.

— Mura ang kamatis kapag napapanahon. Bumili ng marami at igisa bago iimbak sa ref. maaari itong ihalo sa mga ginisang gulay, sarsyado o ibang putahe na mangangailangan ng kamatis, tipid pa sa oras dahil hindi ka na maghihiwa.

I-recycle ang mga tirang pagkain na nasa ref, maging mapamaraan at alalahanin ang mga taong walang makain.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 29,456 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

July 2017
M T W T F S S
« Sep    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
%d bloggers like this: