megaliciousssss

May tama ka!

Kapag may okasyon hindi maaaring walang alak sapagkat hindi kumpleto ang isang okasyon kapag di ka nalasing, boring ika nga. Ngunit mahal ang alak at bukod doon ay may mga bisitang hindi naman umiinom o umiinom man ay parang ginigiyang na agad maamoy pa lang ang alak. Narito ang ilang suggestion sa pagtimpla ng masasarap, hindi mahirap inumin ngunit nakakalasing. Tandaan lamang na gawing maganda  at malinis ang presentesyon ng iyong titimplahing inumin upang ito’y maging kaiga-igaya sa paningin. Cheers!

 

BANANA KIRI

SANGKAP:

5 pirasong saging na latundan

5 kutsarang nestle cream

asukal (depende sa panlasa)

1 baso ng gin

kalahating pitsel na tubig

yelo

PARAAN:

Balatan at hiwain ng manipis ang saging, durugin, ilagay sa pitsel na may lamang tubig, idagdag ang ibang sangkap, haluing mabuti at pwede ng inumin ng 5 katao.

 

                                                          GIN GUYABANO

SANGKAP:

1 katamtamang laki ng guyabano

1 baso ng gin

asukal

kalahating pitsel na tubig

yelo

 

PARAAN:

Balatan at alisan ng buto ang guyabano (pwedeng gamitin ang guyabano juice powder). Ilagay sa pitsel na may tubig, idagdag ang ibang sangkap at haluin. Maaari ng inumin ng 5 katao

 

GIN PINEAPPLE

SANGKAP:

200 gram na pineapple juice

1 gin

1 pitsel na tubig

yelo

PARAAN:

Tunawin sa punch bowl ang pineapple juice, ihalo ang gin, lagyan ng maraming yelo at palamutian ng hiniwang maninipis na lemon.  (Maaari din sa prosesong ito ang iba’t ibang klase ng juice tulad ng orange, pomelo at grapes).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 30,855 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

November 2017
M T W T F S S
« Sep    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
%d bloggers like this: