megaliciousssss

Healthy tips

PAANO BA ANG TAMANG PAG-AALMUSAL?

Ang pag-aalmusal ay isang bagay na kinakatamaran gawin ng marami sa atin. May ilan namang nag-aalmusal ngunit basta na lamang ito at hindi inaalam kung tama bang pagkain ang napupunta sa kanilang sikmura. Halimbawa nito ang isa o dalawang piraso ng tinapay na sasabayan sa paghigop ng mainit na kape. Kuntento na sila rito, ngunit hindi ang kanilang tiyan.

Pinakamahalagang parte ng araw ay ang umaga. Kung hindi sapat ang calories at nutritive materials ang hatid ng almusal, ibig sabihin nito kalahating araw kang walang lakas at tutulug-tulog. Kailangan ng at least 1/3 ng iyong daily norm ng calories, at kalahati nito’y mas mainam.

Ano nga ba ang tamang pagkain bilang almusal?
Cereals – para sa mas matagal na lakas
Prutas – para sa dagliang pagkuha ng enerhiya at bitamina
Dairy products – para sa protina at mineral substances

Kung inyong napansin, marami kayong puwedeng pagpilian, kaya bago nyo pa iwasan ang almusal, mag-isip muna. Ang kaunting effort sa pagkain ng almusal ay malaking bagay upang gising ang inyong katawan at isipan sa umpisa pa lang ng araw. Have a nice day 😉

 

 

Gaano kahalaga ang almusal?

Ang sabi nga nila, breakfast is the most important meal of the day lalung-lalo na sa mga bata. Alam mo ba kung bakit?
Isipin mo na lang na ikaw ay isang sasakyan. Matapos ang buong gabi na ikaw ay tulog, natural na mawalan ka ng fuel sa katawan. Wala ng fuel sa tangke (katawan) mo. At ang fuel na ito ang bagay upang umandar ka.

Anong dapat mong kainin? Mga mommy tandaan po natin ito 🙂
Any breakfast is better than no breakfast, pero mas mabuting huwag kumain ng doughnuts o pastries palagi. Mataas kasi ito sa calories, sugar at fat. Wala rin itong nutrients na dapat makuha ng mga bata. Kung kakain ng doughnuts sa almusal, maya-maya gutom ka na naman.
Gaya ng ibang pagkain, kumain ng pagkaing masustansya gaya ng:

– grains (breads and cereals)
– proteins (meats, beans, and nuts)
– fruits and vegetables
– milk, cheese and yogurt
– eggs

Ang ibang bata ay hindi nag-aalmusal dahil late na silang matulog kaya’t atrasado din ang kanilang paggising na dahilan kung bakit sila payat. Kung ang tao ay hindi mag-aalmusal, hindi siya magiging malusog pati na rin ang kanyang timbang. In fact, ang taong hindi nag-aalmusal ay madalas kumain ng pagkain na mataas sa calories sa buong araw.
Ang batang hindi nakapag-breakfast ay mahirap makahabol sa lesson sa school. Dahil wala silang lakas, lupaypay ang pakiramdam nila at hindi makapag-participate sa talakayan sa eskuwelahan. They get less iron (isang mahalagang nutrient) kaya’t maputla sila at madaling mapagod.
Kapag ang bata ay nag-almusal, madali silang makipag-participate sa activities sa school at isang paraan ito para maging malakas at matalino sila sa klase.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 29,456 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

July 2017
M T W T F S S
« Sep    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
%d bloggers like this: