megaliciousssss

Archive for the ‘masarap to…’ Category

Masarap pala ang egg kaldereta, mura pa. Sinubukan ko itong gawin kahapon dahil wala akong budget para sa pambili ng baka at nag-enjoy naman akong kainin ito. Halika try mo din πŸ˜‰

SANGKAP:

5 itlog

2 patatas

1 carrots

1 siling pula

2 kutsarang garbansos

1 sibuyas

1 kamatis

mantika

kaldereta mix

PARAAN NG PAGGAWA:

ilaga ang itlog at balatan atΒ  itabi. balatan ang patatas at hatiin sa apat pagkatapos ay iprito at itabi. balatan din ang carrots at alisan ng buto ang siling pula, hiwain. Igisa ang sibuyas at kamatis, isunod ang pritong patatas, isunod ang carrots, siling pula at garbansos, lagyan ng tubig. kapag kumulo na ay ilagay ang kaldereta mix, haluing mabuti hanggang maging sapat ang lapot, tikmanΒ  kung tama na sa panlasa at pagkatapos ay ilagay na ang nilagang itlog. ihain kasama ng mainit na kanin πŸ™‚

Advertisements

Hot choco

Posted on: August 29, 2011

Kapag ganitong tag-ulan masarap uminom ng mainit na tsokolate. Halika at samahan mo akong gumawa nito πŸ™‚

SANGKAP:

3 o 4 na piraso ng tsokolate o cacao

3Β  lata ng gatas na ebaporada

1/4 na asukal

vanilla

 

PARAAN:

ilagay ang 3 lata ng gatas sa kaserola, initin at tunawin ang tsokolate o cacao, timplahan ng asukal at patakan ng vanilla. Haluin hanggang sa matunaw ang tsokolate. hanguin kapag medyo malapot na. Pwede mo itong haluan ng 2 pula ng itlog upang magkaron ng bula na para kang umiinom ng mainit na tsokolate sa starbucks πŸ™‚ ihain na may kasamang suman πŸ˜‰

 


Heto na naman ang isa sa mga exotic food ng pinas, ang adobong palaka πŸ˜‰ halika samahan mo akong magluto πŸ™‚

SANGKAP:
1 kilong palakang bukid
1 ulo ng bawang
1 sibuyas
1/2 tasa ng toyo
1/4 tasang suka
3 pirasong dahon ng laurel
1/2 kutsaritang paminta
mantika

PARAAN NG PAGGAWA:

Balatan, linisin at hugasang mabuti ang palakang bukid. Igisa ang bawang at sibuyas, idagdag ang palaka, hayaang magkulay brown, idagdag ang paminta at laurel, isunod ang suka at toyo. Hayaang maluto at matuyo ng bahagya na parang mantika na lang ang pinakasabaw. Ihain kasabay ng mainit na kanin. Whoaaa sarap! πŸ™‚

SANGKAP:

1 katamtamang laki ng bangus
2 kamatis
2 sibuyas
1 itlog na maalat
kalamansi
toyo
sili

PARAAN NG PAGGAWA:

Linisin mabuti ang bangus at hiwain sa gitna, pagsamahin ang sibuyas at kamatis, timplahan ng toyo at kalamansi, ipalaman sa loob ng katawan ng bangus, balatan ang itlog na maalat at ilagay sa bandang tiyan nito. Paikutan ng sinulid ang bangus upang magsara ang tiyan at hindi sumabog ang laman. Pwedeng ihawin o iprito na lamang. Ihain na may kasamang sawsawan. Kain na! πŸ˜‰


Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 30,194 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

September 2017
M T W T F S S
« Sep    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930