megaliciousssss

Ang mangga at ang melon

Posted on: August 6, 2011


larawan mula sa googles

Kumain ng melon at mangga

MAYAMAN sa prutas ang Pilipinas. Talo pa natin ang Thailand o ang Indonesia at iba pang bansa sa Asia kung ang pag-uusapan ay ang dami ng prutas.
Pero sa kabila nito marami pa rin ang hindi naka babatid na ang pagkain ng mga prutas ay malaki ang naitutulong sa ating katawan para malabanan ang mga sakit kahit pa ang cancer.
Dalawang prutas ang irerekomenda kung dapat ay kainin. Ito ay ang mangga at melon. Ang dalawang prutas na ito ay mayaman sa vitamin C at beta carotene. Ang beta carotene ay ang sangkap na lumalaban para hindi magkaroon ng cancer.
Ang isang medium size na sariwang mangga ay sagana sa beta carotene. Ang beta carotene ng mangga ay naiko-convert naman sa vitamin A na mahalaga sa ating katawan. Gayunnman, mataas ang sugar ng mangga at maaaring makasira ng ngipin kung kakainin nang madalas.
Ang melon naman bukod sa mayaman sa vitamin C at betacarotene ay nagpapasigla rin naman ng kidney. Ang kaibahan ng melon sa mangga, ito ay mababa ang calories. Ang isang uri ng melon ay may 19 hanggang 31 calories per 100 grams.
Ang pinakamahusay, pinaka-masarap at pinakamatamis na melon ay ang tinatawag na cantaloupe melon. Orange ang laman nito.
Parehong kapaki-pakinabang ang mangga at melon kaya ang ipinapayo ko, sanayin ang sarili na kumakain ng prutas. 😉

Advertisements

2 Responses to "Ang mangga at ang melon"

Paborito ko yan ate megs. Masarap kumain ng prutas pero ate mega. . . miss na kita. . . hindi kita maramdaman nitong buwan na to. . . paramdam ka. . . :”’|

andito lang ako neng naglilimlim 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 28,853 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

August 2011
M T W T F S S
« Jul   Sep »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
%d bloggers like this: