megaliciousssss

Archive for August 2011

Hot choco

Posted on: August 29, 2011

Kapag ganitong tag-ulan masarap uminom ng mainit na tsokolate. Halika at samahan mo akong gumawa nito 🙂

SANGKAP:

3 o 4 na piraso ng tsokolate o cacao

3  lata ng gatas na ebaporada

1/4 na asukal

vanilla

 

PARAAN:

ilagay ang 3 lata ng gatas sa kaserola, initin at tunawin ang tsokolate o cacao, timplahan ng asukal at patakan ng vanilla. Haluin hanggang sa matunaw ang tsokolate. hanguin kapag medyo malapot na. Pwede mo itong haluan ng 2 pula ng itlog upang magkaron ng bula na para kang umiinom ng mainit na tsokolate sa starbucks 🙂 ihain na may kasamang suman 😉

 

Advertisements

larawan mula sa googles

Kumain ng melon at mangga

MAYAMAN sa prutas ang Pilipinas. Talo pa natin ang Thailand o ang Indonesia at iba pang bansa sa Asia kung ang pag-uusapan ay ang dami ng prutas.
Pero sa kabila nito marami pa rin ang hindi naka babatid na ang pagkain ng mga prutas ay malaki ang naitutulong sa ating katawan para malabanan ang mga sakit kahit pa ang cancer.
Dalawang prutas ang irerekomenda kung dapat ay kainin. Ito ay ang mangga at melon. Ang dalawang prutas na ito ay mayaman sa vitamin C at beta carotene. Ang beta carotene ay ang sangkap na lumalaban para hindi magkaroon ng cancer.
Ang isang medium size na sariwang mangga ay sagana sa beta carotene. Ang beta carotene ng mangga ay naiko-convert naman sa vitamin A na mahalaga sa ating katawan. Gayunnman, mataas ang sugar ng mangga at maaaring makasira ng ngipin kung kakainin nang madalas.
Ang melon naman bukod sa mayaman sa vitamin C at betacarotene ay nagpapasigla rin naman ng kidney. Ang kaibahan ng melon sa mangga, ito ay mababa ang calories. Ang isang uri ng melon ay may 19 hanggang 31 calories per 100 grams.
Ang pinakamahusay, pinaka-masarap at pinakamatamis na melon ay ang tinatawag na cantaloupe melon. Orange ang laman nito.
Parehong kapaki-pakinabang ang mangga at melon kaya ang ipinapayo ko, sanayin ang sarili na kumakain ng prutas. 😉


Heto na naman ang isa sa mga exotic food ng pinas, ang adobong palaka 😉 halika samahan mo akong magluto 🙂

SANGKAP:
1 kilong palakang bukid
1 ulo ng bawang
1 sibuyas
1/2 tasa ng toyo
1/4 tasang suka
3 pirasong dahon ng laurel
1/2 kutsaritang paminta
mantika

PARAAN NG PAGGAWA:

Balatan, linisin at hugasang mabuti ang palakang bukid. Igisa ang bawang at sibuyas, idagdag ang palaka, hayaang magkulay brown, idagdag ang paminta at laurel, isunod ang suka at toyo. Hayaang maluto at matuyo ng bahagya na parang mantika na lang ang pinakasabaw. Ihain kasabay ng mainit na kanin. Whoaaa sarap! 🙂


Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 30,194 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

August 2011
M T W T F S S
« Jul   Sep »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031