megaliciousssss

dulong burger

Posted on: July 21, 2011


 

 

Bihira po sa atin ang nakakaalam kung ano ang dulong, madalang din kasi itong makita sa palengke, kaya naman pag nakatyempo ako nito kahit mahal ay bumibili ako kahit 1/4 kilo lang, aba marami na yun…

Ang dulong po ay maliliit na isdang ginagawang bagoong pero bihira lang po yun dahil kadalasan ay alamang ang ginagamit sa paggawa nito. Ang dulong po ay napakasarap lalo na kung ito ay sariwa, narito po ang aking version sa pagluluto ng dulong, tara samahan nyo ko 🙂
SANGKAP:
1/4 kilo ng dulong
3 sibuyas na malalaki
1 carrots
2 itlog
2 kutsarang cornstarch
seasoning flavor
asin
paminta
PARAAN NG PAGGAWA:
Hiwain ng pino ang sibuyas at carrots, pagsamahin ang lahat ng sangkap at haluing mabuti. Initin ang kawali at maglagay ng isang kutsaritang mantika sa bawat patties na inyong gagawin depende sa laki na gusto ninyo. Masarap itong ulamin at masarap ding ipalaman sa tinapay, halos kapareho ng lasa ng hamburger na nabibili natin sa mga burger chain. Kain na! 🙂
Advertisements

1 Response to "dulong burger"

maraming pwedeng gawin sa dulong, pwedeng torta, adobo o style sweet and sour meatball, masarap din gawing siomai.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 29,813 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

July 2011
M T W T F S S
    Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
%d bloggers like this: