megaliciousssss

PANSIT BUKO

Posted on: July 20, 2011


Ang puno ng niyog ay tinaguriang puno ng buhay at bawat bahagi nito ay nagbibigay ng buhay at kaginhawaan. Mula sa katawan hanggang dahon nito ay napapakinabangan, wala kang itatapon ika  nga. Ang ating hapagkainan ay hindi nawawalan ng pagkaing ginagamitan ng mga sangkap na mula sa niyog. Ganon din naman ang pansit na sa bawat okasyon ay hindi mawawalan nito. Subukan naman nating gawing pansit ang buko bago pa maging niyog ito 🙂
SANGKAP:
3 kutsarang mantika
3 butil ng dinikdik na bawang
1 sibuyas hiniwang pahaba
1/4 kilong baboy 
1 malaking pitso ng manok
1/4 na hipon
1 carrots
1/2 ulo ng repolyo
1 guhit na sitsaro
6 na ulo ng buko
asin at pampalasa
PARAAN NG PAGGAWA:
Pakuluan ang baboy at manok, hiwain ang baboy at himayin naman ang manok. Balatan ang hipon, balatan ang carrots bago hiwain ng pahaba, isunod na hiwain ang repolyo, tanggalan ng hibla ang gilid ng sitsaro, banlian ang kinayod na buko.
Igisa ang bawang, sibuyas at carrots, isunod ang baboy, manok at hipon. Ilagay ang sabaw na pinagpakuluan ng manok at baboy, hintaying kumulo bago idagdag ang repolyo at sitsaro, isunod ang buko, timplahan at hayaang maluto. Tikman 🙂  

Tags: 
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 30,855 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

July 2011
M T W T F S S
    Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
%d bloggers like this: