megaliciousssss

Kalderetang adidas

Posted on: July 19, 2011


Sabi ng tatay ko, nung araw daw ay hindi kinakain ang paa ng manok ngunit sa paglipas ng panahon at papahirap na papahirap na buhay ay kinakain na ito ngayon at isa sa mga sikat na exotic at street food ay ang paa ng manok. Sa maayos at mapamaraang pagluluto ay mapapasarap po natin ito. Tara kayo 🙂

 

SANGKAP:

1 kilo ng paa ng manok

3 butil na bawang

1 sibuyas

pulang bell pepper

siling labuyo (kung kinakailangan)

5 kutsarang toyo

1/2 baso ng suka

1 pack kaldereta mix

tubig

PARAAN:

Linising mabuti ang paa ng manok, tanggalin ang balat at putulin ang bahaging may kuko, adobohin sa bawang, sibuyas, suka at toyo at hayaang kumulo sa mahinang apoy ng isang oras, magdagdag ng tubig kung kinakailangan. Tikman, at kung malambot na at kusang humihiwalay ang laman sa buto ay ilagay ang hiniwang bell pepper at ihalo ang kaldereta mix. Ang paggamit ng kaldereta mix ay praktikal, hindi mo na kakailanganin ang tomato sauce, tipid pa sa oras. Dagdagan ng sili kung gusto mong mas maanghang pa. Masarap itong iulam at ipulutan. kain na 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 29,813 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

July 2011
M T W T F S S
    Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
%d bloggers like this: