megaliciousssss

ATSARA

Posted on: July 18, 2011


Likas sa ating mga pinoy na kumain ng may sawsawan at hindi ito nawawala sa hapagkainan. Ang atsara ay mainam na kasabay ng kahit na anong ulam na prito, masarap din ito sa lechon. Halika makisawsaw ka 🙂

 

SANGKAP:

tasang (puno) ginadgad na papaya (medyo pino)

10 tasang asukal

boteng suka

sili (bell pepper-hiniwa nang pahaba)

1 ½ ulo ng bawang- (hiniwa nang manipis, maliit na pahaba)

2 carrots –(hiniwa nang medyo manipis na pabilog)

*maaring kortehan ang gilid na tila bulaklak

½ tasang luya- hiniwa nang manipis, maliit na pahaba)

asin, paminta (durog)

kutsarang dinikdik na luyang dilaw o food color (pangkulay)

pasas- kung kinakalingan

 

PARAAN NG PAGGAWA:

  1. Pumili ng 4 na malalaki at sariwang papaya. Hugasang mabuti at talupan.
  2. Tanggalan ng buto.Hugasang muli at patuluing mabuti.
  3. Gadgarin ito sa pinong gadgaran.
  4. Budburan ng asin ang nagadgad na papaya. Lamasin at pagkatapos ay pigain.
  5. Ilagay sa malinis na planggana ang pinigang papaya.
  6. Maghanda ng malinis na tela (katsa) at muling pigaing mabuti. Maaring ulitin kung may katas pa.Ang mga pinigang papaya ay ilagay muli sa isang malinis na planggana.
  7. Himay-himayin o paghiwa-hiwalayin ang pinigang papaya.
  8. Takalin sa tasa ang mga ito. Sundin ang proseso sa itaas batay sa kung ilang tasa ang natakal. Magdagdag o magbawas ng sangkap. Pagsama-samahing muli ang tinakal na papaya.
  9. Magsterilize ng mga boteng paglalagyan. Isantabi.
  10. Sabay-sabay na pakuluan sa suka ang carrots, sili, bawang at luya. Tikman at dagdagan ng konting asin o paminta ayon sa panlasa. Ilagay ang luyang dilaw na nasa loob ng kapirasong tela at ilubog hanggang kumulay. Kung wala, gumamit ng konting dilaw na food color.
  11. Ibuhos sa ginadgad na papaya ang suka kasama ang mga sangkap. Palamigin.
  12. Ilagay sa loob ng bote. Maaring idesenyo ang ibang sahog– bulaklak ang carrots , dahon ang sili., at panggitna ang pasas.
Advertisements

2 Responses to "ATSARA"

Ate Megs, atsarang Nata De coco, masarap din! matrabaho lang. meheh~

hahaha! try ko nga, di ba parang malata pag yari na? katakot takot na pakulo gagawin mo dun para mawala ang asim 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 30,855 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

July 2011
M T W T F S S
    Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
%d bloggers like this: