megaliciousssss

Archive for July 2011

Hot keyk

Posted on: July 31, 2011


SANGKAP:
1/2 kilong all purpose flour
1/4 na puting asukal
1 kutsaritang baking powder
4 na itlog
1 lata ng maliit na evaporada
1 kurot na asin
tubig (tantyahin ang paglagay)
vanilla
butter

PARAAN NG PAGGAWA:

Paghaluin ang all purpose flour, baking powder, asukal, asin, itlog at gatas, haluing mabuti, patakan ng vanilla. dagdagan paunti unti ng tubig hanggang sa maging sapat na ang lapot. Painitin ang kawali at maglagay ng konting mantika, hinaan ang apoy at saka lagyan ng konting butter, magbuhos ng pinaghalong sangkap depende sa laki ng hotkeyk na gusto, baliktarin kung luto na, hanguin kung luto na ang magkabilang side. Ulitin ang proseso hanggang sa maluto lahat ng pinaghalong sangkap. Pahiran ng mantikilya o dari cream ang ibabaw bago kainin. Sarrrrap πŸ™‚


Sa panahon ng tag-ulan kailangan natin pangalagaan ang ating katawan, kailangan ay sagana tayo sa vitamin C, lagu tayong kumain ng gulay at prutas. Uminom din tayo araw araw ng juice, check natin ang kusina natin kung ano ang available o kaya kung ano ang napapanahon na makikita sa palengke. Nirerekomenda ko po ang sampaloc juice, bukod sa masarap at mura ay sagana pa sa bitamina. πŸ™‚

SANGKAP:

10 pirasong sampaloc na hinog
1/4 kilo ng asukal na pula
kalahating pitsel na tubig
yelo

PARAAN NG PAGGAWA:

alisan ng balat ang sampaloc, ilagay sa pitsel na may tubig, timplahan ng asukal, lagyan ng yelo at haluing mabuti bago. kasya ito sa apat o hanggang limang tao πŸ™‚

SANGKAP:

1 katamtamang laki ng bangus
2 kamatis
2 sibuyas
1 itlog na maalat
kalamansi
toyo
sili

PARAAN NG PAGGAWA:

Linisin mabuti ang bangus at hiwain sa gitna, pagsamahin ang sibuyas at kamatis, timplahan ng toyo at kalamansi, ipalaman sa loob ng katawan ng bangus, balatan ang itlog na maalat at ilagay sa bandang tiyan nito. Paikutan ng sinulid ang bangus upang magsara ang tiyan at hindi sumabog ang laman. Pwedeng ihawin o iprito na lamang. Ihain na may kasamang sawsawan. Kain na! πŸ˜‰

Champorado

Posted on: July 30, 2011

larawan mula sa googles

May kapitbahay ako galing province binigyan ako ng cacao, tamang tama may malagkit akong nakatabi. Tutal malamig ang panahon naisip kong gumawa na lang ng champorado bilang meryenda. Tara πŸ™‚

SANGKAP:

1/2 kilong malagkit
1 basong cacao o cocoa
6 na basong tubig
1/2 kilong asukal
dahon ng pandan o vanilla
1 latang evaporated milk

PARAAN NG PAGGAWA:

Hugasan ang malagkit, pakuluan na kasama ang dahon ng pandan hanggang maging lugaw, lagyan ng cacao at timplahan ng asukal. Tikman at kung sapat na sayo ang lasa ay pwede ng ihain, lagyan ng gatas bago kainin. Ilagay sa ref ang natirang champorado sapagkat pwede ito gawing panghimagas kapag malamig na. Kain na! πŸ˜‰

POCHERO

Posted on: July 30, 2011


Ito ang masarap na ulam kapag weekend at isa ito sa mga paborito ko. Pwede rin itong pandagdag na putahe kapag may handaan. Samahan nyo akong magluto πŸ™‚

SANGKAP:

1/2 kilong nilagang baboy
1/2 kilong manok
1 maliit na repolyo
2 kamote, pinag-apat
2 chorizo, hiniwa sa laking nais
1 butil na bawang, pinitpit
2 hiwang tosino o hamon
8 kutsarang mantika
6 na saging, saba
1 latang tomato sauce
1 sibuyas, ginayat
baguio beans
asin at pampalasa

PARAAN NG PAGGAWA:

Ilaga ang baboy at manok na kasama ang hamon at chorizo. Timplahan ng asin. Alisin sa sabaw ang hiwa-hiwang laman ng manok at baboy. Dito naman ilagay ang repolyo, baguio beans at kamote. Ilaga ng bukod ang saging. Igisa sa mantika ang bawang, sibuyas at tomato sauce. Isunod ang manok at baboy at lagyan ng sabaw na sapat lamang upang maging malapot. Timplahan uli ng asin o patis. Ihaing kasama ang repolyo, baguio beans, kamote at saging. Kakain na πŸ™‚

Mega tapa

Posted on: July 28, 2011

Ang estilo ko sa paggawa ng tapa ay iba sa karaniwang proseso, tiyak namang masisiyahan ka kapag kinain mo. Β Halika try mo πŸ™‚

SANGKAP:

1 kilong baka

1 ulo ng dinikdik na bawang

1 kutsaritang paminta

1 bote ng maliit na sprite

1 basong tubig

1 basong suka

1/2 basong toyo

 

PARAAN NG PAGGAWA:

Hiwain ng maninipis ang baka (pwede itong ipahiwa na lang sa tinderang bibilhan mo ) Hugasan at pakuluin hanggang sa lumambot, adobohin at patuyuin ng bahagya, hanguin at ilagay sa lalagyang may takip. Pwede itong iimbak ng matagal sa ref, kumuha na lamang kapag gustong magprito, masarap sa almusal lalo na kung may sinangag at itlog, samahan mo na rin ng vegetable salad kung meron πŸ˜‰

Materyales:

  • bangus – 100 gramo laki
  • sarsa ng kamatis – 4 na kutsara
  • langis na panluto – 2 kutsara
  • asin – 1/2 kutsarita
  • betsin – 1/3 kutsarita
  • siling malaki – 2 hiwa

Paraan ng Paggawa:

  1. Kaliskisan ang isda, alisan ng lamang-loob, hasang at mga palikpik at buntot.
  2. Hiwahiwain ang isda ayon sa laki ng garapon. Alisan ng maitim na balot ang loob ng tiyan. Hugasan at patuluin.
  3. Ayusin sa garapon.
  4. Pasingawan ang garapon nang 20 minuto para maalis ang tubig sa isda.
  5. Alisin ang tubig sa loob ng garapon. Ilagay ang mainit na kamatis at lahat ng sangkap.
  6. Sarahan ang garapon, isalang sa init sa 240β€²F nang isa’t kalahating oras.
  7. Upang hindi lumabis ang luto, ilagay agad ang garapon pagkaluto sa umaagos na tubig.
  8. Punasan ang pinalamig na garapon.
  9. Pwede ng kainin o ibenta πŸ™‚

Free Counters The following text will not be seen after you upload your website, please keep it in order to retain your counter functionality
Trackers
Counter Help

Blog Stats

  • 29,456 hits

Manginain ka :)

Ang mga pinoy ay likas na mahilig magluto at kumain, ngunit may mga panahong nagtataasan ang mga paninda sa palengke, kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakagawa ng masarap at may kalidad na pagkain, masustansya pero mura. Kapag ako'y nasa bahay lang ay madalas akong mag-imbento ng makakain na hindi masasakripisyo ang budget ko. Halikayo tikman nyo :)

kusina ko

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 9 other followers

Anong petsa na?

July 2011
M T W T F S S
    Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031