Posted by: MEGA on: September 5, 2011
Masarap pala ang egg kaldereta, mura pa. Sinubukan ko itong gawin kahapon dahil wala akong budget para sa pambili ng baka at nag-enjoy naman akong kainin ito. Halika try mo din
5 itlog
2 patatas
1 carrots
1 siling pula
2 kutsarang garbansos
1 sibuyas
1 kamatis
mantika
kaldereta mix
PARAAN NG PAGGAWA:
ilaga ang itlog at balatan at itabi. balatan ang patatas at hatiin sa apat pagkatapos ay iprito at itabi. balatan din ang carrots at alisan ng buto ang siling pula, hiwain. Igisa ang sibuyas at kamatis, isunod ang pritong patatas, isunod ang carrots, siling pula at garbansos, lagyan ng tubig. kapag kumulo na ay ilagay ang kaldereta mix, haluing mabuti hanggang maging sapat ang lapot, tikman kung tama na sa panlasa at pagkatapos ay ilagay na ang nilagang itlog. ihain kasama ng mainit na kanin
Posted by: MEGA on: August 29, 2011
Kapag ganitong tag-ulan masarap uminom ng mainit na tsokolate. Halika at samahan mo akong gumawa nito
SANGKAP:
3 o 4 na piraso ng tsokolate o cacao
3 lata ng gatas na ebaporada
1/4 na asukal
vanilla
PARAAN:
ilagay ang 3 lata ng gatas sa kaserola, initin at tunawin ang tsokolate o cacao, timplahan ng asukal at patakan ng vanilla. Haluin hanggang sa matunaw ang tsokolate. hanguin kapag medyo malapot na. Pwede mo itong haluan ng 2 pula ng itlog upang magkaron ng bula na para kang umiinom ng mainit na tsokolate sa starbucks
ihain na may kasamang suman
Posted by: MEGA on: August 6, 2011
MAYAMAN sa prutas ang Pilipinas. Talo pa natin ang Thailand o ang Indonesia at iba pang bansa sa Asia kung ang pag-uusapan ay ang dami ng prutas.
Pero sa kabila nito marami pa rin ang hindi naka babatid na ang pagkain ng mga prutas ay malaki ang naitutulong sa ating katawan para malabanan ang mga sakit kahit pa ang cancer.
Dalawang prutas ang irerekomenda kung dapat ay kainin. Ito ay ang mangga at melon. Ang dalawang prutas na ito ay mayaman sa vitamin C at beta carotene. Ang beta carotene ay ang sangkap na lumalaban para hindi magkaroon ng cancer.
Ang isang medium size na sariwang mangga ay sagana sa beta carotene. Ang beta carotene ng mangga ay naiko-convert naman sa vitamin A na mahalaga sa ating katawan. Gayunnman, mataas ang sugar ng mangga at maaaring makasira ng ngipin kung kakainin nang madalas.
Ang melon naman bukod sa mayaman sa vitamin C at betacarotene ay nagpapasigla rin naman ng kidney. Ang kaibahan ng melon sa mangga, ito ay mababa ang calories. Ang isang uri ng melon ay may 19 hanggang 31 calories per 100 grams.
Ang pinakamahusay, pinaka-masarap at pinakamatamis na melon ay ang tinatawag na cantaloupe melon. Orange ang laman nito.
Parehong kapaki-pakinabang ang mangga at melon kaya ang ipinapayo ko, sanayin ang sarili na kumakain ng prutas.
Posted by: MEGA on: August 4, 2011

Heto na naman ang isa sa mga exotic food ng pinas, ang adobong palaka
halika samahan mo akong magluto
SANGKAP:
1 kilong palakang bukid
1 ulo ng bawang
1 sibuyas
1/2 tasa ng toyo
1/4 tasang suka
3 pirasong dahon ng laurel
1/2 kutsaritang paminta
mantika
PARAAN NG PAGGAWA:
Balatan, linisin at hugasang mabuti ang palakang bukid. Igisa ang bawang at sibuyas, idagdag ang palaka, hayaang magkulay brown, idagdag ang paminta at laurel, isunod ang suka at toyo. Hayaang maluto at matuyo ng bahagya na parang mantika na lang ang pinakasabaw. Ihain kasabay ng mainit na kanin. Whoaaa sarap!
Posted by: MEGA on: July 31, 2011

SANGKAP:
1/2 kilong all purpose flour
1/4 na puting asukal
1 kutsaritang baking powder
4 na itlog
1 lata ng maliit na evaporada
1 kurot na asin
tubig (tantyahin ang paglagay)
vanilla
butter
PARAAN NG PAGGAWA:
Paghaluin ang all purpose flour, baking powder, asukal, asin, itlog at gatas, haluing mabuti, patakan ng vanilla. dagdagan paunti unti ng tubig hanggang sa maging sapat na ang lapot. Painitin ang kawali at maglagay ng konting mantika, hinaan ang apoy at saka lagyan ng konting butter, magbuhos ng pinaghalong sangkap depende sa laki ng hotkeyk na gusto, baliktarin kung luto na, hanguin kung luto na ang magkabilang side. Ulitin ang proseso hanggang sa maluto lahat ng pinaghalong sangkap. Pahiran ng mantikilya o dari cream ang ibabaw bago kainin. Sarrrrap
Posted by: MEGA on: July 31, 2011

Sa panahon ng tag-ulan kailangan natin pangalagaan ang ating katawan, kailangan ay sagana tayo sa vitamin C, lagu tayong kumain ng gulay at prutas. Uminom din tayo araw araw ng juice, check natin ang kusina natin kung ano ang available o kaya kung ano ang napapanahon na makikita sa palengke. Nirerekomenda ko po ang sampaloc juice, bukod sa masarap at mura ay sagana pa sa bitamina.
SANGKAP:
10 pirasong sampaloc na hinog
1/4 kilo ng asukal na pula
kalahating pitsel na tubig
yelo
PARAAN NG PAGGAWA:
alisan ng balat ang sampaloc, ilagay sa pitsel na may tubig, timplahan ng asukal, lagyan ng yelo at haluing mabuti bago. kasya ito sa apat o hanggang limang tao
Posted by: MEGA on: July 31, 2011
SANGKAP:
1 katamtamang laki ng bangus
2 kamatis
2 sibuyas
1 itlog na maalat
kalamansi
toyo
sili
PARAAN NG PAGGAWA:
Linisin mabuti ang bangus at hiwain sa gitna, pagsamahin ang sibuyas at kamatis, timplahan ng toyo at kalamansi, ipalaman sa loob ng katawan ng bangus, balatan ang itlog na maalat at ilagay sa bandang tiyan nito. Paikutan ng sinulid ang bangus upang magsara ang tiyan at hindi sumabog ang laman. Pwedeng ihawin o iprito na lamang. Ihain na may kasamang sawsawan. Kain na!
Posted by: MEGA on: July 30, 2011
May kapitbahay ako galing province binigyan ako ng cacao, tamang tama may malagkit akong nakatabi. Tutal malamig ang panahon naisip kong gumawa na lang ng champorado bilang meryenda. Tara
SANGKAP:
1/2 kilong malagkit
1 basong cacao o cocoa
6 na basong tubig
1/2 kilong asukal
dahon ng pandan o vanilla
1 latang evaporated milk
PARAAN NG PAGGAWA:
Hugasan ang malagkit, pakuluan na kasama ang dahon ng pandan hanggang maging lugaw, lagyan ng cacao at timplahan ng asukal. Tikman at kung sapat na sayo ang lasa ay pwede ng ihain, lagyan ng gatas bago kainin. Ilagay sa ref ang natirang champorado sapagkat pwede ito gawing panghimagas kapag malamig na. Kain na!
Posted by: MEGA on: July 30, 2011

Ito ang masarap na ulam kapag weekend at isa ito sa mga paborito ko. Pwede rin itong pandagdag na putahe kapag may handaan. Samahan nyo akong magluto
SANGKAP:
1/2 kilong nilagang baboy
1/2 kilong manok
1 maliit na repolyo
2 kamote, pinag-apat
2 chorizo, hiniwa sa laking nais
1 butil na bawang, pinitpit
2 hiwang tosino o hamon
8 kutsarang mantika
6 na saging, saba
1 latang tomato sauce
1 sibuyas, ginayat
baguio beans
asin at pampalasa
PARAAN NG PAGGAWA:
Ilaga ang baboy at manok na kasama ang hamon at chorizo. Timplahan ng asin. Alisin sa sabaw ang hiwa-hiwang laman ng manok at baboy. Dito naman ilagay ang repolyo, baguio beans at kamote. Ilaga ng bukod ang saging. Igisa sa mantika ang bawang, sibuyas at tomato sauce. Isunod ang manok at baboy at lagyan ng sabaw na sapat lamang upang maging malapot. Timplahan uli ng asin o patis. Ihaing kasama ang repolyo, baguio beans, kamote at saging. Kakain na
Posted by: MEGA on: July 28, 2011
Ang estilo ko sa paggawa ng tapa ay iba sa karaniwang proseso, tiyak namang masisiyahan ka kapag kinain mo. Halika try mo
SANGKAP:
1 kilong baka
1 ulo ng dinikdik na bawang
1 kutsaritang paminta
1 bote ng maliit na sprite
1 basong tubig
1 basong suka
1/2 basong toyo
PARAAN NG PAGGAWA:
Hiwain ng maninipis ang baka (pwede itong ipahiwa na lang sa tinderang bibilhan mo ) Hugasan at pakuluin hanggang sa lumambot, adobohin at patuyuin ng bahagya, hanguin at ilagay sa lalagyang may takip. Pwede itong iimbak ng matagal sa ref, kumuha na lamang kapag gustong magprito, masarap sa almusal lalo na kung may sinangag at itlog, samahan mo na rin ng vegetable salad kung meron
mga nanginain